Taguan: Huling Eksena

Standard

Nagsilbing isang alaala na lamang sa akin ang mga nangyari sa amin ni Michelle. Pagkatapos ng mga pangyayari ng mga araw na iyon, hindi na siya nakikilaro sa amin ng pinsan ko kahit na si Chris ay patuloy pa rin ang pakikisalamuha sa amin. Magkasabay pa rin kaming tatlo ng pinsan ko sa pag-uwi galing ng eskwela ngunit hindi pinag-uusapan ang mga nangyari.

Sa kadahilanang hindi ko na inalam, lumipat na naman ng tirahan ang pamilya ni Michelle. Nakaisang taon lang siya sa aming paaralan. Wala na rin akong naging balita buhat ng sila’y lumipat.

Lumipas ang mga taon ay wala pa rin akong naging balita kay Michelle.

Noong panahon ng kasagsagan ng Miss Saigon sa London, ako’y nasa 3rd year high school na. Ang klase namin ay nagkaroon ng isang activity. Ang lahat ng mga lalake ay makikipaghalubilo sa mga mag-aaral (na ka-year level din namin) ng isang exclusibong pambabaeng eskwelahan. Naging masaya ang activity namin. Marami kaming nakilala na mga bagong kaibigan.

Naghanda ang mga babae ng pagkain bilang mga hosts at sabay-sabay na rin kaming kumain pagdating ng pananghalian. Habang ninanamnam ko ang fried chicken ay may tumapik sa aking kanang balikat. Hindi ko unang namukhaan ngunit ang nakasaad na pangalan sa kanyang name tag ay “Michelle”.

“Naalala mo pa ba ako?” tanong ni Michelle.

“Sorry ha pero saan ba tayo nagkita o nagkakilala?” tugon ko sa kanya.

“Hala. Di mo na ako kilala? Kunsabagay, mga bata pa tayo nun. Remember the taguan? Ako yung neighbor mo dati,” paglalahad ni Michelle.

Bigla akong namula. Hindi ko alam ang sasabihin ko at isa-isa kong naalala ang mga pangyayari noon.

“Okay ka lang?” pag-alala ni Michelle.

“Ah ah ah oo. Ok lang ako. Yeah, I think remember you already. So how are you? At dito ka lang pala nag-aaral. Neighbors again ha.”

Tumawa na lang si Michelle at tinawag na kaming lahat ng aming mga class advisers para magpaalam na sa isa’t isa. Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito na kami’y muling magkita at magkabalitaan man lamang ngunit sadyang pinaglalayo kami. Bago kami tuluyang umalis ng mga kaklase ko, pinuntahan ko si Michelle upang personal na magpaalam.

Ang araw na iyon ang una at huling pagkikita namin ng crush kong si Michelle pagkatapos ng ilang taon. Lalo siyang naging maganda at hindi na mahiyain. At parang nanumbalik ang paghanga ko sa kanya ng tinitigan ko siya habang siya’y nagmadaling sumunod sa kanyang mga kaklase. Lumingon siya sandali at muling kumaway sa akin.

Sana…

==========

Ang seryeng ito ay hango sa mga totoong nangyari sa buhay ni White, isang alaalang nabuksan muli habang nagmumuni-muni sa isang pagkakaibigan sa kasalukuyang panahon. 🙂

Advertisements

2 thoughts on “Taguan: Huling Eksena

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s