Taguan: Ikatlong Eksena

Standard

Lumipas ang halos dalawampung minuto at nasa loob pa rin si Michelle ng kwarto namin ng kuya ko. Hindi pa rin nakasindi ang ilaw ng silid at doon pa rin kami nakaupo sa ilalim ng clothes rack ni kuya. Bagama’t hindi gaanong nagsasalita si Michelle ay ok na rin sa’kin. Mahiyain lang ba siya talaga? Pero dahil sa nangyari, malamang hindi.

Mga ilang sandali pa ay naririnig ko na ang boses ni Mama na parang galit na at hinahanap na ako.

“Mukhang hinahanap na ako,” wika ko kay Michelle.

“Sige, lumabas na tayo. Siguradong hinahanap na rin ako ni kuya,” tugon naman ni Michelle.

Nauna akong tumayo sa kinauupuan namin. Sa loob ko lang, ang kill joy naman ni Mama. Oo at talagang gusto ko pang manatili doon sa loob ng kwarto kasama ang crush ko. Isa iyong napakagandang karanasan para sa akin at isang oportunidad na di dapat pinapalampas. Alam ko mali ang ginawa ko pero sino ba makakapagpigil sa mga oras na ‘yon?

Ako ang unang lumabas para masiguro na walang makakakita kay Michelle. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at natanaw ko na walang tao sa sala at mukhang lumabas ng bahay si Mama siguro para hanapin ako. Babalik na sana ako sa loob ng kwarto para sabihin kay Michelle na ok ng lumabas ng biglang may umakbay sa’kin.

“Andyan ka lang pala insan sa loob,” patawang sabi ni Jun. Bigla akong namula at parang di makapagsalita.

“Umuwi na si Chris, umayaw na kasi di niya kayo makita ni Michelle. Alam mo ba kung nasaan siya?” Hindi ako makasagot kay Jun. Pag sinabi ko na kasama ko si Michelle sa loob at nandoon pa siya sa mga oras na iyon, siguradong makakarating kay Mama ang balita.

“Di ko alam e. Nakaidlip lang ako at akala ko hinahanap pa ako ni Chris,” pabula kong sagot.

“Ah, sige insan uwi na ako. Gutom na ako e.” At umalis na si Jun papunta sa kanilang bahay na katabi lang ng sa amin. Hinintay ko muna siyang tuluyang makalabas ng gate at saka ko binalikan si Michelle sa loob.

“Michelle, sorry ha. Pwede ka ng lumabas.”

“Ok lang,” nakangiting tugon ni Michelle.

“Sa susunod ha.” At lumabas na ng bahay si Michelle.

Maya-maya pa ay tinawag na ako ni Mama upang mananghalian.

Sa susunod na eksena…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s