Taguan: Ikalawang Eksena

Standard

“Michelle! Dito ka sa loob!” sigaw ko sa crush ko.

Dahil sa binilisan ni Chris ang pagbibilang, wala na akong maisip pagtaguan kundi ang aming bahay. At dahil mukhang wala na ring mataguan si Michelle, niyaya ko na siya sa loob ng bahay.

Si mama lang ang nasa bahay nung mga oras na ‘yon at siya’y nasa kusina at nagluluto ng pananghalian namin. Tahimik ang loob ng bahay. Pinaupo ko muna si Michelle sa sala habang ako ay naghahanap ng matataguan. Naririnig ko ng naghahalakhakan sina Jun at Chris sa labas kaya sigurado akong na-tag na ang pinsan ko. Pero hindi pa matatapos ang pagiging taya ni Chris hangga’t di niya kami nakikita ni Michelle.

“Baka doon sila sa loob ng bahay,” narinig kong sinabi ni Jun kay Chris.

“Lagot ka sa’kin mamaya Jun!” bulong ko sa sarili.

Tinawag ko na si Michelle sa kuwarto namin ng kuya ko. Madilim dahil ‘di ko sinindi ang ilaw. Ang kuwarto namin ng kuya ang naisip kong pagtaguan namin ni Michelle dahil malayo yun sa kusina namin at siguradong hindi na kami maririnig ni mama.

“Ang dilim naman,” wika ni Michelle.

“Mabuti nga yan para di tayo mabuko na nandito tayo sa loob,” madiin kong sinagot sa kanya.

“E hanngang kelan tayo magtatago rito?” tanong ni Michelle.

Hindi ko siya sinagot.

Maraming pumapasok sa aking isipan ng mga sandaling iyon. Kahit madilim at hindi ko masyadong makita ang kagandahan ni Michelle ay masaya na rin ako dahil solong-solo ko ang crush ko. Boses pa lang niya ay ok na sa akin kaya gusto kong namnamin ang mga sandaling iyon.

“Alam mo Chelle, crush kita,” deklara ko kay Michelle.

“Hmnnn…..ok lang,” mahinang sagot ng crush ko.

Nakaupo si Michelle sa ilalim ng clothes rack ni kuya at ako naman ay sa kama. Nilapitan ko si Michelle at umupo na rin sa tabi niya.

“Siguradong hindi tayo mahahanap dito ni Chris at di naman pumapasok dito si Jun sa kwarto.”

Tahimik.

“Chelle,” sabay haplos sa kanyang kaliwang kamay, “pwedeng bang pa-kiss?”

Hindi sumagot si Michelle kaya lakas-loob ko ng hinalikan siya sa kaliwang pisngi. Saglit lang ang pag-kiss ko sa kanya dahil sa takot na baka sumigaw ito o umbagin ako. Pero wala pa ring imik si Michelle at hindi naman pumapalag. Hindi ko alam kung nagustuhan niya ang ginawa ko o wala lang talaga sa kanya ‘yon.

“Nakakapanood ka ba ng kisseng scenes sa mga pelikula,” tanong ko sa kanya.

Tahimik pa rin si Michelle.

“Pwede ba kitang i-kiss ulit?” Makulit talaga ako. “Pwede?”

“Sige,” mahinhing sagot ni Michelle. Tumibok bigla ng mabilis ang puso ko. Hindi ko mawari kung kaba o excitement iyon. Siguro pareho. Excited akong maka-kiss ulit kay Michelle at kinakabahan dahil baka pumasok si mama sa kwarto o biglang dadating ang kuya ko.

Hinalikan ko siya ulit sa kaliwang pisngi pero mas matagal ito kesa sa una. Wala pa ring imik si Michelle. Hinalikan ko siya sa ikatlong pagkakataon at mas lalo kong pinadikit ang aking mga labi sa kanyang makinis at malambot na pisngi. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil. Pinagapang ko ang aking mga labi hanggang sa kanyang leeg tulad ng napanood ko sa isang English na pelikula. Pinahiga ko si Michelle sa sahig at sumunod naman ito. Patuloy ko siyang hinalikan sa kanyang leeg…hanggang dumikit ang aming mga labi.

Itutuloy…

Advertisements

4 thoughts on “Taguan: Ikalawang Eksena

  1. Ay ay.

    Gusto ko ring maglaro ng taguan!

    Tapos tapos
    sana “hmnn okay lang” at “sige” rin yung sagot niya.. Haha :p

  2. @mugen, i’m blushing.LOL! di mo lang alam kung gano ako nahirapan magconstruct ng sentence. feeling ko kasi masyadong redundant ang mga words. LOL.

    fiction or non-fiction? at this point di ko muna ilalahad. hehe what do you think ba?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s